Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan na isasabay niya ang mga ito sa pagbaba niya sa pwesto kapag patuloy na sablay sa kanilang trabaho.
Ayon sa pangulo, sa anim na taon niyang panunungkulan, nasa anim na miyembro na ng gabinete ang kaniyang sinibak sa pwesto, dahil nabigo ang mga ito na sundin ang kaniyang mga utos.
Gusto kasi ng pangulo na maging mas mabilis pa ang pagproseso ng mga dokumento sa mga tanggapan ng gobyerno at magbigay ng maayos na serbisyo sa publiko.
Muli rin nitong iginiit na ayaw niya sa red tape at sa pabalik-balik na proseso ng pamahalaan.
Giit nito, maraming computer at office equipment ang binili niya para mapabilis ang proseso sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Kasunod nito, umaasa ang pangulo na sa kaniyang pagbaba sa pwesto, magiging simple na lamang ang mga transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno.