Mga kawani ng gobyerno sa Metro Manila, Central Luzon, at ilang bahagi ng CALABARZON, may pasok na ngayong araw  

Balik-trabaho na ang mga kawani ng gobyerno sa Central Luzon at Metro Manila, at ilang bahagi ng CALABARZON ngayong araw.

Sa anunsyo ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas maging ang kanselasyon ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno ay epektibo na lamang sa lalawigan ng Batangas, na matinding naapektuhan ng pagputok ng bulkang taal.

Pero paglilinaw ni Medialdea, ang suspension ay hindi sakop ang frontline services na nakatutok sa disaster response, at paghahatid ng basic at health service.


Hinihimok din ng Malacañang ang pribadong sektor na suspendihin ang trabaho para sa kaligtasan ng mga empleyado nito.

Ang muling pagbabalik ng government work sa tatlong rehiyon ay base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Facebook Comments