Matagumpay na sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang ilang kawani ng Lokal na pamahalaan ng Alaminos City para sa layuning mapabuti pa ang kanilang mga tungkulin.
Partikular na sumailalim ang mga Document Control Custodians at Records Officers ng LGU upang bigyan ang mga ito ng karagdagang sapat na kaalaman para mas lalo pang maprotektahan ang mga mahahalagang impormasyon ng LGU.
Sa naturang pagsasanay ay tinalakay ang mahahalagang probisyon ng RA 10173 o mas kilala sa tawag na Data Privacy Act of 2012 at sa Basic Records Disposition Administration kung saan nagsilbi bilang mga resource speakers sina Cleo Martinez at Jose Domingo Barola ng National Privacy Commission at National Archives of the Philippines.
Ibinahagi ng dalawang panauhing tagapag-salita ang kanilang mga nalalaman ukol sa dapat gawin sakaling may ma-encounter na problema.
Bukod naman sa pag-alam ng mga paraan para sa mas epektibong pangangalaga sa mga datos na kanilang hinahawakan, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na document custodians at records officers na magkaroon ng mas maayos na sistema ng paggawa at pangangalaga ng mga dokumentong nanggagaling sa kanilang tanggapan. |ifmnews
Facebook Comments