DALAWANG BINMALEÑIANS NA NAG-UWI NG KARANGALAN SA BANSA, ATING KILALANIN

Ikinararangal sa bayan ng Binmaley ang dalawang Binmaleñians na nag-uwi ng karangalan matapos irepresenta kamakailan lamang ang bansang Pilipinas sa larangan ng isports at pageantry.
Sa larangan ng isports, hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng kapansanan ng proud Binmaleñians na si Jerome Fernandez, matapos masungkit ang bronze medal sa Men’s 100M T46 PARA ATHLETIC at the 12th ASEAN PARA GAMES na isinagawa sa Cambodia.
Samantala sa larangan naman ng pageantry, isang tubong Binmaley din ang nag uwi ng karangalan matapos masungkit ni Chris Jan E. Suratos ang titulong Mr. Tourism Ambassador World 2023 na ginanap kamakailan sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia.

Patunay lamang nito na hindi magpapadaig ang mga Pinoy sa anumang larangan at mananatili sa puso ang pagiging palaban at ipagmalaki ang bansang Pilipinas. |ifmnews
Facebook Comments