Naghandog ng 200 relief packs ang mga kawani ng Ospital ng Tondo (OsTon) sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa probinsya ng Isabela.
Ayon kay OsTon Director Dr. Myrna Paloma, layunin nitong matulungan ang mga Cagayanos na makabangon mula sa pananalanta ng mga nagdaang bagyo.
Sabi ni Dr. Paloma, ito’y maliit na tulong lamang ng mga frontliners sa mga kababayan natin sa Rehiyon ng Cagayan na apektado ng kalamidad.
Dagdag pa ni Dr. Paloma, ang mga relief packs ay galing sa mga donasyon ng mga hospital staff at ng mga mamamayang lumapit sa kanilang tanggapan.
Facebook Comments