Manila, Philippines – Binigyang diin ng palasyo ng Malacañang na buhay na buhay ang diwa ng demokrasya sa bansa.
Ito ang sinabi ng palasyo sa harap na rin ng kaliwa’t kanang kilos protesta na isinasagwa ng ibat-ibang grupo sa idineklarang National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pagkakataon ito para sa ating mga kababayan na ipaabot sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga kilos protesta ang kanilang mga hinaing at mga pangangailangan.
Sinabi ni Abella na ipinapakita ng deklaradyon ng Pangulo ay malaya ang lahat at umiiral ang demokrasya sa bansa.
Una nang sinabi ng palasyo sa mga makikilahok sa mga kilos protesta na panatilihin ang katahimikan sa kanilang mga kilos protesta upang hindi maapektuhan ang iba na hindi nakilahok sa pagkilos.