Mga kilos protesta kasabay ng SONA, kasado na rin

Kasado na rin ang mga kilos protesta kasabay ng ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes – ipaparada nila ang isang effigy na tinatawag nilang ‘Duterte siyokoy.”

Ang effigy ay may apat na galamay na kumakatawan sa apat na isyu: panggamit ng lakas o pwersa, pivot to China, charter change at problema sa ekonomiya.


Tiniyak naman ng grupong Bayan na magiging mapayapa ang mga isasagawang kilos protesta sa SONA.

Sabi ni Reyes na hindi sila manggugulo at hindi magtatangkang makalapit sa Batasang Pambansa.

Facebook Comments