Mga kilos-protesta laban sa mga umano’y magnanakaw sa mga exclusive subdivision, aaraw-arawin na umanong gagawin ni Cong. Kiko Barzaga

Tiniyak ni Congressman Kiko Barzaga na aaraw-arawin na niya ang gagawing kilos-protesta laban sa tinawag niyang “magnanakaw” sa pondo ng flood control projects.

Ginawa ni Barzaga ang pahayag matapos siyang dumating sa Forbes Park sa Buendia gate.

Mainit siyang sinalubong ng ibang mga raliyista na nagpakita rin upang suportahan ang panawagan niyang sugurin ang bahay ng mayayamang pulitiko sa Forbes park.

Kabilang din sa nagpakita ng suporta kay Barzaga ay ang si Atty. Jimmy Bondoc.

Hindi naman tinukoy ni Barzaga kung ano-anong lugar ang kanilang isusunod na pupuntahan at gagawin nila itong sorpresa.

Hindi naman nagtagal si Barzaga sa Forbes Park Buendia gate dahil dadalo pa siya bukas sa pagdinig ng House committee on Ethics.

Bago siya umalis ay lumapit si Barzaga sa mga pulis na nai-deploy sa lugar upang humingi ng dispensa sa mga pulis dahil kinailangan nilang manatili ng matagal doon dahil sa kaniya.

Tinanggap naman ni PBGen. Randy Arceo, ang district director ng Southern Police District (SPD), ang paghingi ng paumanhin ng Kongresista sa pagsabing ang pananatili ay upang gampanan ang kanilang tungkulin na panatilihin ang seguridad.

Facebook Comments