Manila, Philippines – Hindi pipigilan ng Philippine National Police na magsagawa ng kilos protesta ang anumang grupo para sa gaganapin ASEAN Summit.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, maari nilang gawin ang mga kilos protesta hanggat hindi ito nakakaabala sa mga gagawing aktibidad para sa ASEAN summit at wala sila sa area kung saan lock down na.
Sinabi pa ni Carlos na simula kamakalawa ay nagpalabas na ng advisory ang PNP para matukoy ng publiko at mga magsasagawa ng kilos protesta ang partially lock down at totally lock down area.
Magtatagal aniya ang partially lock down at totall lock down area hanggang November 15.
Sa ngayon nakadeloy na ang 33 libong pulis mula National capital Region police Office kasama na ang augmentation force mula sa ibat-ibang Police Regional Offices .
Ang mga ito ang nagbibigay ngayon ng seguridad para sa mga delegates, ruta venue at billet ng mga ito habang isinasagawa ang summit.