Manila, Philippines – Haharap ngayong araw sa Senado ang mga kinatawan ng gobyerno para ipaliwanag ang mga batayan idineklarang batas militar sa Midanao.
Kabilang sa mga haharap sa briefing sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo Año.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sakaling hindi makapagpaliwanag ang mga ito, ay may maghahain ng mosyon para bawiin ang deklarasyon ng martial law.
Doon pa lang aniya hihingi ng joint session ang Senado at Kamara.
Facebook Comments