Dating Human Rights Chairperson Etta Rosales, binatikos ang rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Binatikos ni dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales ang rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bisitahin ang mga sugatang sundalo sa Iligan City.

Sa interview ng RMN kay Rosales – hindi katawa-tawa na isangkot ang mga kababaihan lalo na ang mahihirap at nagdudusa sa patuloy na giyera sa Marawi City.

Dagdag pa ni Rosales – hindi dapat ituring na biro ang mga pahayag tungkol sa rape o pang-aabuso sa mga kababaihan.


Ayon pa sa CHR, ipagpapatuloy nila ang pagtutok sa implementasyon ng batas militar ng administrasyong Duterte sa Mindanao.

Hinikayat rin ng komisyon na pwersa ng gobyerno na maging tapat sa responsilidad bilang taga-protekta sa karapatang-pantao.

Facebook Comments