Iminungkahi ni Senate President Tito Sotto III na payagang magpunta rito sa bansa ang mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC).
Ito ay kaugnay pa rin sa plano ng ICC na imbestigahan ang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagtutol ng pangulo.
Ayon kay Sotto, dapat mag-obserba ang mga taga-ICC upang mapatunayan kung sakaling may naging paglabag talaga ang mga otoridad sa mga lehitimong operasyon.
Naniniwala rin ang senador na mali ang mga impormasyong ibinigay sa ICC na nagsasabing may higit 12,000 hanggang 30,000 na napatay ang mga pulis o di kaya’t mga vigilanteng binayaran ng pamahalaan.
Facebook Comments