Manila, Philippines – Inihayag ngayon nina CBCP Vice President Elect Caloocan Archbishop Pablo Virgilio David at Senador Riza Hontiveros na magtutungo ngayon hapon ang mga kinatawan ng PAO, NBI, CHR at Ombudsman upang kapanayamin ang mga testigo sa pagpaslang kay Kian Delos Santos.
Sa ginanap na presscon, sinabi ni Senador Hontiveros na simula sa simula pa lamang isang matinding alalahanin para sa seguridad ng mga testigo dahil alam umano ng mga pulis Caloocan na lalaban sila sa korte kaya humingi sa kanila ng proteksyon ang mga kaanak ng mga testigo.
Kinukonsulta pa rin nila ang mga kaanak ng mga testigo kung saan sila gusto magpakustudiya at ang tugon umano sa kanila ay sa PAO dahil sa tingin ng mga testigo ay ligtas sila para makamit ang hustisya sa pagpaslang kay Delos Santos.
Dagdag pa ni Hontiveros, iinterview sa Child Protection Unit ng PGH ng mga kinatawan ng PAO, NBI, Ombudsman at CHR at mahigpit na mayroon mga rules sa pag-interview sa mga menor de edad kaya’t pakiusap ng senadora sa mga reporter dapat sumailalim sa mga rules upang hindi malabag ang karapatan ng mga menor de edad na testigo.
Nilinaw din ng Senadora na walang kinalaman sa pulitika ang kanyang pagtulong sa pamilya Delos Santos dahil tungkol sa problema sa iligal na droga at hindi tungkol sa pulitika ang kanyang serbisyo sa pamilya.