Mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, kailangang lubos na magtulungan sa pagkilos para mapalaya agad ang mga bihag na Filipino seafarers sa Red Sea

Mariing kinondena ni Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at Kabayan Party-list Representative Ron Salo ang pagdukot ng Houthi rebels sa 17 filipino seafarers at iba pa nilang kasamahan sa Red Sea.

Bunsod nito ay hiniling ni Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bilisan at tiyaking epektibo ang koordinasyon upang mapalaya ang mga bihag na Pilipino at iba pang crew members.

Giit ni Salo, mahalaga ang anumang hakbang na gagawin ng ating pamahalaan upang maproteksyunan ang ating mga kababayan na naiipit sa nabanggit na delikadong sitwasyon.


Diin pa ni Salo, kailangan ding makipag-ugnayan tayo sa international bodies upang lumikha ng “diplomatic pressure” at impluwensya tungo sa mapayapang resolusyon sa insidente.

Facebook Comments