Mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, may kanya-kanyang toka sa pag-uwi sa linggo ng Pinoy repatriates na na-quarantine sa Japan

Plantsado na ang repatriation ng halos 500 mga Pinoy na lulan ng MV diamond cruise ship na na-quarantine sa Yokohama, Japan.

Ayon kay health ASEC. Rosette Vergerie, kasado na ang ugnayan ng Department of Health (DOH) sa mga member agencies ng inter-agency task force gaya ng World Health Organization (WHO), Philippine Embassy sa Japan at Magsaysay Maritime Corporation para sa pagpapa-uwi ng tinatayang nasa 460 hanggang 480 pinoys mula sa Japan.

Napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-ako ng kanya-kanyang reponsibilidad.


Ang DOH ang bahala sa medical teams gayundin ang kanilang transportasyon patungo sa quarantine site. Gayundin, ang pangangailangang medical ng mga repatriates, gastos sa hospital sa pamamagitan ng PhilHealth at ang kakailanganing personal protective equipment o PPE para sa unang limang araw ng quarantine period.

Sasagutin naman ng Magsagysay Maritime Corporation ang gastos sa transportasyon ng mga repatriates mula Japan hanggang sa matapos ang kanilang quarantine period gayundin ang gastos para sa kakailanganing pang PPE hanggang sa matapos ang kabuuan ng quarantine period pati ang kanilang pagkain.

Aaakuin naman ng Department of Transportation (DoT) ang transportation ng mga repatriates mula sa Haribon Airport patunong New Clark City habang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang magkakaloob ng livelihood packages sa mga ito gayudin ang kanilang transportation mula Maynila pauwi sa kanilang mga probinsya pagkatapos quarantine period.

May nakalaan na ring lugar sa New Clark City sa Capas, Tarlac para mga iuuwing Pinoy.

Tiniyak din ng DOH na walang mapapabayaang pinoy sa kampanya nito kontra COVID-19.

Facebook Comments