Mga kolehiyo at unibersidad, hindi muna maniningil ng tuition fee ngayong buwan

Kimupirma ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera na hindi na muna maninigil ng tuition fee ang mga kolehiyo at uniersidad kasunod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon kay De Vera, resulta ito naging pulong niya sa mga kasapi ng Philippine Association of Private Schools, Colleges and Universities (PAPSCU) matapos makatanggap ng reklamo na ilang paaralan ang naniningil ng matrikula kahit na inutos na ng pamahalaan ang ‘strict home quarantine’.

Aniya, napagkasunduan din nila na pwedeng staggered basis ang pagbayad ng tuition sa mga susunod na buwan.


Kasunod nito, pinapayagan na rin ng CHED ang mga private universities at colleges na i-modify ag kanilang academic calendars.

Aniya, wi-naived na ang CHED regulations na kailangan muna nilang mag-apruba para bago ang school academic calendar.

Facebook Comments