Mga kolehiyo at unibersidad na libre ang matrikula, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ng mahigit 20 ang bilang ng mga unibersidad at kolehiyo na libre ang matrikula.

Ito ay matapos aprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) para sa free higher education law.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera – walang bayad mag-aral sa mga CHED-accredited local at state universities and colleges.


Aniya, ang tanging kailangan ay makapasa sa admission test.

Ang libreng tuition ay para sa isang kurso lang na kailangang tapusin sa itinakdang panahon para rito.

Sa kabuoan nasa 214 na public higher education institutions sa buong bansa ang wala nang tuition.

Facebook Comments