Mga kompanya ng langis muling pagpapatupad ng oil price hike

69

Aarangkada na naman ang dagdag presyo ng langis simula bukas ng alas-12:01 ng madaling araw.

Ang Caltex platinum ay may dagdag na 0.55 centavos, silver ay may 0.55 centavos, diesel ay 0.90 centavos habang ang kerosene ay 0.95 centavos.


Magtataas din ang Phoenix Petroleum Philippines kung saan .90 centavos bawat litro ang itatas ng diesel habang ang gasolina ay 0.55 centavos bawat litro na epektibo bukas ng alas-6 ng umaga.

Maging ang PTT Philippines ay magpatutupad din ng taas presyo kung saan 0.55 centavos bawat litro ng gasolina ang itataas habang P0.90 centavos bawat litro ang itataas sa diesel na magsisimula alas-6 bukas ng umaga.

Facebook Comments