Panukalang nagpapalawig ng isang buwan sa voter registration, lusot na sa Senado

47

Sa botong pabor ng 23 mga senador ay lusot na sa Senado ang panukalang batas na nagpapalawig ng isang buwan sa voter registration para sa 2022 elections.

Nakapaloob sa Senate Bill number 2408 na iurong sa October 31, 2021 ang nakatakdang pagtatapos ng voter registration ngayong September 30.


Iginiit ng mga senador sa panukala na dapat palawigin ang voter registration para mabigyan ng pagkakataong magparehistro ang 12 milyon na potensyal na botante.

Ipinaliwanag sa panukala na maraming mga Pilipino na nais bomoto ang hindi pa nakapagparehistro dahil sa mga ipinatupad na lockdown at quarantine measures bunsod ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments