Manila, Philippines – Pinagsusumite ng compliance report ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer kaugnay sa pagbibigay ng 13th month pay.
Ayon sa DOLE, sa ilalim ng batas dapat noong December 24, naibigay na ng employer ang 13th month pay sa kanyang mga manggagawa.
Matapos ito, dapat ay magsusumite ang mga employer ng compliance report sa DOLE regional offices.
Nakasaad sa report na dapat ang pangalan at address ng establisyimento, bilang ng mga empleyado, bilang ng mga nakatanggap ng 13th month pay at kung magkano ang naibayad.
Mayroong hanggang January 15, 2019 ang mga employer para i-report sa DOLE ang pagsunod nila sa pagbibigay ng 13th month pay.
Facebook Comments