MANILA – Sisimulan ng ipasara ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong linggo ang mga kompanyang nagpapatupad ng endo o kontraktuwalisasyon.Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, gagawin ito Regional Office ng DOLE bago siya pumuntang Oslo, Norway sa Huwebes.Kabilang sa mga masasampolan ay isang malaking korporasyon na may pitong libong manggagawa.Inalmahan naman ng mga labor groups ang sinasabing win-win solution ng Department of Trade and Industry (DTI) para wakasan ang endo.Sa panukala, responsibilidad na ng manpower agency na gawing regular ang kanilang mga manggagawa.Sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay, na lalo lang papatayin ng nasabing panukala ang mga labor union sa bansa.Nilinaw ni Bello, na panukala pa lamang ito at magkakaroon pa ng dayalogo sa pagitan ng mga business at labor groups sa bansa.
Mga Kompanyang Nagpapatupad Ng Endo Sa Bansa, Ipasara Na Ng Labor Department
Facebook Comments