Mga komunidad, pinagtatanim ng puno ng isang mambabatas para malabanan ang epekto ng El Niño phenomenon

Pinayuhan ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang mamayan na magtanim ng mga puno sa kanilang mga komunidad upang maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon.

Panawagan ni Nograles sa mga local leaders mag-organisa ng mga aktibidad ng pagtatanim na tiyak may magandang ibubunga.

Inihalimbawa ni Nograles ang kanyang pangunguna sa tree planting sa bayan ng Montalban nitong nakaraang buwan kung saan umabot sa 4,000 saplings ang naitanim sa kahabaan ng Wawa riverbank at gilid ng bundok.


Diin ni Nograles, balang araw ang ating mga tinanim ay makapipigil sa rumaragasang tubig-baha sa panahon ng tag-ulan, habang ang mga kagubatan naman ay nagsisilbing proteksyon ng bansa laban sa El Niño at pangmatagalang climate change.

Paliwanag ni Nograles, ang mga kagubatan ay pananggalang din sa mga weather-related disasters, at ito rin ay naglalabas ng moisture na pangontra sa tagtuyot at kalasag din natin tuwing may bagyo at pagbaha.

Facebook Comments