Mga kongresista, hiniling na magretiro na si Sen. Pacquaio

49

Manila, Philippines – Pinagreretiro na ng ilang mga kongresista si Senator Manny Pacquiao matapos ang pagkatalo nito laban kay Jeff Horn.

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone dapat na ituloy na ni Pacquiao ang pagreretiro dahil marami na itong napatunayan sa buong mundo.

Narating na rin umano ni Pacquiao ang pinakamataas sa kanyang karera kaya wala na itong mahihigitan pa.


Bukod dito, maraming beses na rin nakapaghatid ng karangalan si Pacquiao sa Pilipinas kaya napapanahon na ang lehislasyon na lang ang pagtuunan nito ng pansin.

Natalo naman si Pacquiao sa huling laban nito kay Horn via unanimous decision.

Facebook Comments