DOJ, inatasan ang NBI na imbestigahan ang pagpatay sa mag anak sa Bulacan

158

Manila, Philippines – Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang karumal dumal na pagpatay sa mag-anak ni Dexter Carlos sa kanilang tahanan nuong June 27 2017.

Sina Estrella Dizon Carlos asawa ni Dexter at Auring Dizon byanan ay di lamang pinatay kundi ginahasa pa ng suspek na si Carmelino Ibañez maging ang 3 anak nito na sina Donny, 11; Ella, 7; at one-year-old na si Dexter Jr. ay di rin nakaligtas at tinadtad pa ng saksak sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon kay Aguirre inaatasan nya si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon at case build up.


Sa nasabi ding Department order inaatasan si NBI Director Gierran na magsubmit ng report o update hinggil sa pag-iimbestiga ng NBI sa nasabing kaso.

Facebook Comments