Mga kongresista, kumpyansa sa kakayahan ni Teodoro na pamunuan ang DND

Kumpyansa ang mga kongresista sa kakayahan at lawak ng kaalaman ni Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., para pamunuan ang Department of National Defense o DND.

Ayon kay House Committee on National Defense and Security Chairman at Iloilo 5th District Representative at Raul ‘Boboy’ Tupas, nasa mabuting kamay ang DND at mahalaga na mayroon na ngayong full-fledged itong secretary dahil maraming mahahalagang kasunduan at pagbabago na kailangan ipatupad.

Malaki rin ang tiwala ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda kay Teodoro at mainam din aniya na ang paninindigan nito ukol sa pambansang seguridad ay umaayon sa polisiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Diin naman ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadettee Herrera, sa husay at talino ni Secretary Teodoro ay siguradong makakayanan ng Santahang Lakas na harapin ang lahat ng hamon lalo na ang may kaugnayan sa ating soberenya, pagpapalakas sa ating defense capabilities, at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng mamayan.

Una ng sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang appointment ni Teodoro ay makakatulong para lalong maging epektibo ang gabinete ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments