Congressman Teves, hinamon si Secretary Remulla na magbitiw

Hinamon ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magbitiw na kung mapatutunayan na ito ay nagsisinungaling.

Sa isang video na naka-post sa kanyang Facebook page ay iginiit ni Teves na isang malaking kasinungalingan ang ibinunyag ni Remulla na siya ay nag-apply ng citizenship sa Timor Leste.

Sabi ni Teves, nagsuot pa siya ng blazer sa video sa halip na naka-sando lang para patunayan na seryoso ang hamon niya ka Remulla.


Handa naman si Teves na umuwi sa Pilipinas kung mapapatunayan na totoo ang mga pahayag ni Remulla laban sa kanya.

Kasabay nito ay muling hiningan ni Teves ng paliwanag si Remulla kung papaano nagkasya sa isang nine-seater na eroplano ang 13 indibidwal at ang anim na indibidwal sa isang five-seater na helicopter.

Tinukoy ni Teves, na kalokohan umano ang kwento ni Remulla na siya at kasama ang iba pang indibidwal ay sumakay sa eroplano matapos ang nangyaring pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Facebook Comments