Mga kongresista, nagkakasalungat sa pagtanggi ng gobyerno sa EU aid

Manila, Philippines – Umani ng reaksyon sa Kamara ang desisyon ng pamahalaan na tanggihan ang tulong na ibinibigay ng European Union sa bansa.

Depensa ni Quezon City Rep. Winston Castelo pinangingibabawan lamang ng pamahalaan ang self-determination at sobereniya ng bansa at walang katapat na halaga ito.

Ayon kay Castelo, tama lamang na hindi na tumanggap ng tulong ang bansa kung mayroon naman itong kapalit o kundisyon.


Pero sa panig ng oposisyon, sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, ng house independent minority, na ang desisyon ng Malakanyang ay nagpapakita lamang na may double standard ang administrasyon sa pagtanggap ng foreign aid.

Bagamat inaayawan nito ang tulong ng EU dahil sa mga puna sa human rights violation sa gitna ng madugong giyera sa droga, wala namang pakundangan ang gobyerno sa pagtanggap ng pledges at aid mula sa China.

Kahit hindi diretsahang sabihin, malinaw aniyang ang kundisyon naman ng tulong mula sa China ay ang manahimik ang gobyerno sa arbitral decision na pumabor sa claim ng bansa sa teritoryo sa West Philippine Sea.
DZXL558

Facebook Comments