Mga kontrabando, nakumpiska sa “oplan galugad” sa Cebu City Jail

30

Cebu City, Pjilippines – Ilang mga kontrabando ang nakumpiska ng mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cebu City Jail kaninang madaling araw.

Iniutos ni city jail warden, Sr. Supt. Arnel Peralta ang pagsagawa ng raid sa mga selda at ilan sa mga nakumpiska na kontrabando ay ang limang mobile phone, nubain, drug paraphernalia, bladed weapons ngunit walang shabu.

Layunin ng oplan galugad na linisin ang pasilidad mula sa mga iligal na kagamitan o kontrabando.
DZXL558

Facebook Comments