Mga kongresista, umapela kay Ralph Trangia na bigyang hustiya ang pagkamatay ni Atio

45

Manila, Philippines – Umapela ang mga kongresista kay Ralph Trangia, ang suspek sa pagkamatay sa hazing ng UST law student na si Atio Castillo III, na sana ay magsabi ito ng lahat ng katotohanan sa pagharap sa korte.

Umaasa sina Bagong-Henerasyon PL Rep. Bernadette Herrera-Dy at Kabayan Rep. Ron Salo na magsasabi ng katotohanan si Trangia sa kung ano talaga ang nangyari kay Atio.

Kasabay nito ay hinimok ni Salo ang ibang mga suspek na lumantad na at makipagtulungan sa mga otoridad.

Sinabi naman ni Herrera-dy na bata pa si Trangia kaya ngayon pa lamang ay dapat na itong manindigan para sa tama, totoo at katarungan.

Masusing binabantayan ng kongresista ang takbo ng kasong ito bilang may akda ng panukala na lubusang nagbabawal na ng marahas na hazing bilang initiation sa mga fraternity o sorority.

Facebook Comments