Mga kongresistang dawit sa listahan ng PACC na sangkot sa korupsiyon, nais paimbestigahan ang ahensiya

Pinaiimbestigahan na ng mga kongresistang kasama sa listahan ng mga sangkot umano sa katiwalian ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Paliwanag ng mga ito, nais nilang malaman kung sa paanong paraan isinagawa ng PACC ang kanilang imbestigasyon gayong wala silang alam na iniimbestigahan na sila.

Ayon kay Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato, nais niyang makasuhan ang PACC dahil sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa isyu.


Habang naniniwala naman si Dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat Jr. na pakana lamang ito ng PACC para takutin ang mga nasa opisisyon.

Suportado naman ng ilang pang nadawit sa listahan ang pagsasagawa ng imbestigasyon tulad nina; Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza, Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas at ACT-CIS Party-List Rep. Eric Yap.

Facebook Comments