Mga kongresistang miyembro ng CA, itinangging nasuhulan para ilaglag si Gina Lopez

Manila, Philippines – Pinalagan ni Isabela Rep. Rodito Albano ang mga alegasyon na naambunan ng lobby money ang mga nakararaming miyembro ng Commission on Appointments kaya ibinasura ang nominasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng DENR.

Paliwanag ni Albano, ni walang lumapit sa kanila para i-lobby ang appointment ni Lopez, para aprubahan man o ibasura ng komisyon.

Wala umanong lohika alegasyon laban sa kanila dahil unang una, imposibleng makapagbayad ang mga korporasyon na naipasara na ni Lopez.


Ikalawa, wala namang kasiguruhan na makakabalik ang mga ito sa operasyon lalo na at mabigat din ang posisyon ni Pangulong Duterte laban sa iresponsableng pagmimina.

Tumanggi naman si Albano na isapubliko kung ano ang kanyang naging boto sa nominasyon ni Lopez, pero si A Teacher Rep. Julieta Cortuna ay inamin na tinutulan niya ang kumpirmasyon nito.

Bagamat saludo siya sa passion ni Lopez ay nakukulangan siya sa naging trabaho nito dahil masyadong nakatutok lamang sa sektor ng pagmimina.

DZXL558

Facebook Comments