“Less than 12”
Ito ang sinabi ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na bilang ng mga kongresistang sabit sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, ang mga nasasangkot na mambabatas ay dapat isailalim sa pormal na imbestigasyon.
Mahalaga aniyang mayroong matibay na ebidensya laban sa mga kongresistang sangkot sa maanomalyang proyekto ng DPWH.
Pero sinabi ni Belgica na hindi puwedeng ipagpatuloy ng PACC ang imbestigasyon sa mga mambabatas dahil ang mandato lang ng kanilang komisyon ay imbestigahan ang mga itinalaga ng Pangulo sa puwesto at hindi kasama ang mga inihalal na opisyal.
Ang Office of the Ombudsman, Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang dapat mag-imbestiga sa mga ito.