Mga kongresistang sipsip kay Pangulong Duterte sa kangkungan pupulutin, ayon kay Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Binalaan ni Senator Antonio Trillanes IV ang mga kongresista na sipsip kay Pangulong Rodrigo Duterte at kukunsinti sa martial law na idineklara nito sa buong Mindanao kahit hindi nararapat.

Babala ni Trillanes, siguradong sa kangkungan pupulitin ang mga mambabatas na patuloy ang pagsipsip kay President Duterte.

Inihalimbawa ni Trillanes ang sinapit ng mga kongresistang sipsip din kay dating Pangulong Ferdinand Marcos na sa kangkungan din pinulot matapos na ipasara noon ang kongreso kasabay ng pagsailalim sa batas militar ng buong bansa.


Giit ni trillanes sa mga mambabatas, kontrahin ang declaration ng martial law ni Pangulong Duterte sa buong Mindanao dahil sa Marawi lang ito nararapat ipatupad.

Kapag aniya pinagbigyan ang pangulo ay siguradong mamimihasa ito hanggang sa maisalalim niya ang buong bansa sa batas militar.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments