*Cauayan City, Isabela-* “Aralin muna ang Pederalismo bago Kontrahin” Ito ang naging pahayag ni Father Ranhilio Aquino, ang bise-presidente ng Cagayan State University at Kasapi ng Constitutional Commision ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat mga nambabatikos sa isinusulong ng Pangulo na Pederalismo.
Aniya, mayroon na umano silang Semi-final draft sa ipinapanukalang bagong Constitution ng Pilipinas tungo sa Pederalismo subalit hindi pa umano nila pwedeng sabihin sa publiko hanggat hindi pa ito naisusumite sa Pangulo.
Bagamat marami umano sa mga Pinoy ang hindi sang-ayon sa Pederalismo ay kanyang sinabi sa lahat ng mga Anti-Federalism nab ago batikusin ay aralin muna ito ng mabuti kung ano ang ibig sabihin nito at kung ano ang mga mabuting idudulot nito sa ating bansa.
Layunin umano ng Pederalismo na hindi lang para sa pamahalaang local ng gobyerno kundi para sa buong bansa na may tanging kakayahan sa mga Federal Republic at sa mga Federated Region na ibig sabihin ay hindi na umano pwedeng magsa-batas ang kongreso tungkol sa mga bagay-bagay na nakareserba para sa mga Federated region.
Layunin rin umano nito na mapabilis at maagapan agad ang mga pangangailangan ng taumbayan.
Ayon pa kay Father Aquino, Mayroon na umanong nagaganap na konsultasyon sa ibang rehiyon dito sa bansa upang kunin ang kanilang mga reaksyon hinggil sa panukalang pagbabago sa Konstitusyon ng Pilipinas.