Mga kooperatiba, dumating na sa Albay para maibalik na ang suplay ng kuryente

42

Halos 100 linemen mula sa Region 8 electric cooperatives ang dumating sa Albay ang tutulong para maibalik ang suplay ng kuryente sa lalawigan.

Ito’y ang mga kooperatiba ng kuryente mula sa Leyte, Biliran, Southern Leyte, Samar, Southern Samar, Eastern Samar at Northern Samar.


Nagpasalamat naman si Albay Rep. Joey Salceda kay PHILRECA Partylist Rep. Presley de Jesus sa inisyatibong ito.

Ang PHILRECA ay ang national organization ng 121 electric cooperatives sa buong bansa.

Samantala, nasa Legazpi City na rin ang 12-man Fire Department Team at nasa Daraga, Albay naman ang Water Filtration Team ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ang mga ito ang tutulong sa clearing operations at magsusuplay ng inuming tubig sa mga residente.




Facebook Comments