Mga kooperatiba sa bansa, palalakasin ng pamahalaan ayon kay PBBM

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga cooperative movement at mga asosasyon ng mga magsasaka na magsimula na sa kanilang consolidation.

Ayon sa pangulo, ito ay para mapalakas ang kooperatiba, at upang lumawak o lumaki na ang mga pino-proseso at tinatanimang lupa.

Sinabi ng president, mahalagang magkatipon-tipon ang mga kooperatibang pang-agrikultura upang mabigyan ito ng sapat na suporta mula sa pamahalaan.


Ilan aniya sa suportang ipagkakaloob ng pamahalan ay malalaking makinarya para sa processing, milling hanggang marketing para makatipid sa cost of production, gumanda at dumami ang produksiyon, at lumaki ang kita ng mga kooperatiba at ng mga magsasaka.

Dagdag pa ng pangulo, na kung tutuusin, maliit lang na bahagi ng suporta sa mga kooperatiba ang tulong pinansiyal.

Ang importante aniya ay dapat magaling ang pangangasiwa sa kooperatiba, maganda ang business plan at maganda ang relasyon sa bangko.

Kung sakaling magawa aniya ang mga ito siguradong kikita nang malaki ang kooperatiba.

Facebook Comments