MGA KOOPERATIBA SA CAUAYAN CITY, ABALA SA PAGHAHABOL NG MGA REPORTS

Cauayan City, Isabela- Abalang-abala ngayon ang mga kooperatiba sa Lungsod ng Cauayan sa paghahabol ng kanilang mga reports na isusumite sa Cauayan City Cooperative Development Council.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Slyvia Domingo, City Cooperative Officer ng Lungsod ng Cauayan, kanyang sinabi na tutok ngayon ang mga kooperatiba sa pagcomply ng kanilang mga reports gamit ang kanilang bagong online system na pagsu-submit ng kanilang mga reports.

Hanggang June 30, 2022 lamang aniya ang kanilang palugit kung saan mula sa singkwenta na nabuong Kooperatiba sa Lungsod ay nasa 50 percent pa lamang ang nakakatapos.

Aminado ang City Cooperative Development Council na naninibago sila sa kanilang bagong sistema na ibinaba ng Cooperative Development Authority na dapat ay gawin sa online ang kanilang submission ng report.

Lahat kasi ng bawat kooperatiba ay mandatory na kada taon ay kailangang magsubmit ng report sa Cooperative Development Council kaya sinisikap ngayon ng mga kooperatiba na maipasok lahat sa online system ang kanilang mga report bago pa sila maabutan ng deadline at para iwas na rin sa penalty.

Pinaliwanag din ni Domingo ang kahalagahan ng pagrereport ng mga datos ng Kooperatiba upang sila ay mabigyan ng Certificate of Compliance bilang patunay na ang kanilang Kooperatiba ay gumagana o ginagampanan ang kanilang mga tungkulin at para na rin sa paghingi ng tulong sa ibang mga ahensya kung kinakailangan.

Ayon pa kay Domingo, mas mainam ngayon ang online system dahil mas convenient at mas mabilis ang transaksyon at submission ng kanilang mga reports.

Parte na rin aniya ito sa digitalization ng Lungsod para makasabay sa mga makabagong teknolohiya at bagong sistema ng lipunan.

Panawagan naman nito sa mga kooperatiba na hindi pa nakakapag comply na tumawag lamang sa kanilang tanggapan para matulungan at maisubmit ang report bago mag June 30.

Facebook Comments