Mga koponan na nasa ilalim ng San Miguel Corporation, sasailalim sa COVID-19 swab testing

34

Sasailalim sa COVID-19 swab testing ang mga koponan na nasa ilalim ng San Miguel Corporation na kinabibilangan ng Barangay Ginebra, San Miguel Beer at Magnolia Hotshots.

Ayon kay San Miguel Team Manager Gee Abanilla, maliban sa mga players, sasailalim din sa swab testing ang mga coach at ilang staff at personnel nito.


Parte ito ng plano ng korporasyon na i-test ang nasa 70,000 nilang empleyado para malaman kung positibo ang mga ito sa virus.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sa mga laboratoryo ang SMB Corp. para sa nasabing testing.

Facebook Comments