Basketball at volleyball, hindi pa rin papayagan sa ilalim ng Modified GCQ

57

Hindi pa rin kasama ang basketball at volleyball sa mga papayagang sports sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), tanging non-contact sports at iba pang uri ng ehersisyo ang papayagan tulad ng paglalakad, jogging, biking, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian at skateboarding.


Pwede anilang gawin itong outdoor at indoor, basta tiyaking nakakasunod sa social distancing at health protocols.

Facebook Comments