Mga korporasyon, hinikayat na magdonate ng online learning tools kapalit ng tax incentives

Hinihimok ngayon ng isang kongresista ang mga korporasyon na mag-donate ng online learning tools sa mga estudyante kapalit ng benepisyo sa pagbubuwis.

Ayon kay Committee on Basic Education and Culture Chairperson at Pasig City Rep. Roman Romulo, ang Adopt-a-School Program (ASP) ay makakatulong para mapunan ang mga pangangailangan para sa blended learning ng Department of Education (DepEd).

Kapalit ng tax incentives ay magdo-donate ang mga korporasyon ng online learning tools para sa mga estudyante sa public elementary at high school.


Sa ilalim ng programa ay maaaring ibawas sa gross taxable income ng donors ang hanggang 150% ng halaga ng kanilang kontribusyon.

Inihalimbawa nito na ang mga Business Process Outsourcing (BPO) companies ay maaaring mag-donate ng bago o secondhand desktop computers, laptops o tablets habang ang mga nasa telecommunications ay pwedeng mag-sponsor ng data plans.

Dagdag pa ng kongresista, mayroon ng umiiral na guidelines ang DepEd sa pagtanggap at pag-proseso ng applications para makapag-avail ang mga private donis sa ilalim ng ASP ng tax benefits.

Facebook Comments