Mga korte na magsasagawa ng pilot testing ng mga pagdinig sa pamamagitan ng video conference, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga korte sa bansa na makapagsasagawa ng pilot test hearings sa pamamagitan ng video conferencing sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19.

Batay sa Office of the Court Administrator (OCA) Circular No. 100-2020 na pirmado ni Supreme Court Administrator Atty. Midas Marquez, may panibagong listahan ng mga lugar kung saan pinayagan ang pilot testing ng mga pagdinig sa pamamagitan ng video conference.

Kabilang na rito ang mga korte sa iba’t ibang lugar sa Regions 1, 2, 3, 4A at 4B gayundin sa Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11 at 12.


Layon ng pagdaraos ng mga pagdinig sa pamamagitan ng video conference na mapabilis ang pagpapalaya sa inmates na   vulnerable at may magagaan lamang na kinakaharap na kaso.

Facebook Comments