Bumababa ang bilang ng mga krimen na naitatala sa buong bansa.
Ito ay dahil na rin sa umiiral na community quarantine kung saan limitado ang galaw ng mga kriminal dahil sa pinaigting na checkpoint at mas pinalakas na presensya ng mga pulis sa kalsada.
Batay sa datos ng Joint Task Force COVID Shield, mula March 17, 2020 hanggang July 1, 2020, bumaba ng 53% ang 8 Focus crimes sa buong bansa.
8,039 na krimen ang kanilang naitala, mas mababa ito ng 9,000 kumpara sa December 2019 hanggang March 16, 2020 na mayroong 17, 039 ang naitala.
Sa Luzon, 55% ang ibinaba ng crime rate. 53% sa Visayas at 48% sa Mindanao.
Ang 8 focus crimes ay ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping.
Facebook Comments