Puspusan ngayon ang ginagawang pakikipag dayalogo ng Office of the Deputy Governor for Christians Affairs ng ARMM sa Religious at Political Christians leaders sa mga lugar na kasalukuyang sakop ng rehiyon sa mga sasaklawin ng bagong gobyerno.
Sinabi ni ARMM Deputy Governor For Christian Affairs Edgar Ramirez na malaki ang kanyang responsibilidad na gagampanan katuwang ang ibat-ibang mga partner organization nito na kinabibilangan ng Archdiocese of Cotabato, Prelature of Basilan, Prelature of Marawi, Episcopal Churches, Metro Cotabato & Suburbs ministries fellowship Inc., LGU Upi, United Nations Development Programme at DXMY- RMN Cotabato sa ilalim ng grupong Christians for Peace .
Ito ay para ipaabot sa mga kristyanong pamayanan ang ibat-ibang mga usapin at concern tungkol sa Bangsamoro Organic Law (BOL) kasabay ng ikalawang yugto ng kanilang pagkikipagdayalogo sa mga Christian leaders mula sa Lanao del Sur at Lanao del Norte na ginawa sa bayan ng Opol, Misamis Oriental nitong Agosto 13-14.
Ang makukuha umano nilang mga inputs sa kanilang mga dayalogo ay kanilang pag-iisahin at magsisilbi umano itong policy proposal ng mga Kristyano na ibibigay sa sino mang magiging kinatawan ng kanilang sector sa Bangsamoro Transition Authority.
Sa ilalim umano ng Bangsamoro Organic law magkakaroon ng dalawang kinatawan ang mga Kristyano sa parliament na kasali sa pagpapatakbo ng bagong gobyerno.
Dahil basi sa kanilang obserbasyon nagiging tahimik lamang ang mga kristyano sa mga usapin ng governance sa papasok ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Mga Kristyano sa teritoryo ng Bangsamoro Government puspusan ang mga dayalogo para makabuo ng policy proposal na isusumite sa BTA.
Facebook Comments