Mga kritiko at bumabatikos sa operasyon ng lotto, hindi na papatulan ng PCSO

Mariing itinanggi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang mga alegasyon ng dayaan at iregularidad sa operasyon ng lotto.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na hindi dapat patulan ang mga bumabatikos sa charity arm ng pamahalaan.

Ito’y dahil sa wala naman mga ebidensiya laban sa PCSO kung saan hinamon ni Robles ang mga kritiko na maghain na lamang ng kaso sa korte at dito na lamang sila magpapaliwanag.


Kaugnay nito, ipinagmalaki ni Robles na sa kasaysayan ng PCSO, ngayon lamang may pinakamataas na grado na nakamit ang naturang charity institution na 92 percent kumpara sa mga nakaraang panahon.

Bagama’t may mga nagpapayo sa kanya na kasuyan ang mga naninira.. hindi na dapat patulan ang mga ito lalo na ngayong napakataas ng performance level ng PCSO.

Sa panawagan naman na iboykot ang lotto, sinabi ni Robles na kalayaan ito ng ilan ma magsalita pero mananatili pa rin ang mataas na integridad ng PCSO.

Sa katunayan, hindi nakaapekto sa sales ng lotto ang naging panawagan kundi lalo pang tumaas ang bilang ng mga timataya sa lotto.

Facebook Comments