Itinuro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na siyang nagbabanta sa mga pari, obispo at cardinal ng simbahang katoliko.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte matapos makatanggap ng sumbong na mayroong nagbabanta umano sa buhay ng ilang mga taga simbahan.
Ayon kay Pangulong Duterte, sinasakyan lamang ng mga kritiko ang personal na away niya sa mga pari at obispo para siya ay siraan at mapasama ang kanyang pangalan sa publiko.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte na hindi kasama ang mga pari, obispo at cardinal sa political issue kaya hindi dapat isali ang mga ito.
Paliwanag ng pangulo, sinasagot lamang niya ang mga banat sa kanya ng mga pari at obispo.
Dagdag pa ng pangulo, wala naman siyang mapapala kapag pinatay ang mga pari at obispo kaya mas mabuting tigilan na ang mga ito.