Mga kritiko ng Child Car Seat Law, kinastigo ng Liderato ng Senado

Sang-ayon si Senate President Tito Sotto III na ipagpaliban ang pagpapatupad ng Child Safety in Motor Vehicles Law o Child Car Seat Law kung pandemya ang dahilan.

Pero diin ni SP Sotto, hindi nya susuportahan ang pagpapaliban kung ang basehan ay ang maling interpretasyon sa batas.

Diin ni SP Sotto, malinaw ang nakapaloob sa batas na tanging saklaw lang nito ay ang mga bata na edad dose anyos pababa at may taas o height na hindi lalagpas sa 49 inches.


Dismayado si SP Sotto sa mga kritiko ng batas na nagrereklamo agad sa halip na basahin at unawain ang batas na may magandang intensyon na protektahan ang mga bata laban sa vehicular accident.

Kinastigo din ni SP Sotto ang ilang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na hinahaluan pa ng biro ang batas na hindi nakatutulong sa pagpapaliwanag sa publiko.

Facebook Comments