Cauayan City, Isabela- Pinaalalahanan ng tanggapan ng Cauayan City Treasurer Office ang mga first-time job seekers na kukuha ng mga dokumento at clearance mula sa gobyerno.
Batay sa Republic Act 11261 o ang “First Time Job Seekers Assistance Act” na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakasaad dito na walang babayaran ang isang indibidwal na unang pagkakataong kumuha ng mga dokumento.
Ang mga dokumento na libreng makukuha ng isang first-time job seeker ay police at barangay clearance, medical certificate mula sa mga klinik at ospital ng gobyerno, birth o marriage certificate, tax identification number (TIN), transcript of records mula State Universities and Colleges, at Unified Multi-Purpose ID card (UMID).
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Treasurer Carlito Andres, kanyang pinaalalahan ang mga kukuha na kailangan lamang na magprisinta ng Barangay Certification bilang patunay na ito ay first-time job seeker.
Kaugnay nito, mas madali na ngayon ang pagkuha ng Police Clearance dahil sa bago ng sistema ng PNP.