Mga Kukuha ng Travel Authority sa City of Ilagan, Pinaalalahanan

Cauayan City, Isabela- Nagpaalala ang hepe ng PNP Ilagan City sa mga Ilagueño na kukuha ng travel authority sa kanilang himpilan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLt Col Virgilio Vi-Con Abellera Jr., hindi aniya mahirap ang pagkuha ng travel authority sa kanilang himpilan kung kumpleto ang mga hinahanap na kaukulang dokumento.

Wala aniyang quota o limistasyon ang bilang sa pag-iisyu ng Travel Authority dahil dipende aniya ito sa dami ng mga kukuha na uuwi sa ibang mga probinsya o lalabas ng Isabela patungo sa mga karatig na Lalawigan.


Payo nito sa mga kukuha ng Travel Authority, dapat may maipakaitang Barangay health declaration form na inisyu ng barangay health worker, declaration form na pirmado ng City health office, at Travel pass na galing sa City Mayor.

Kung kumpleto aniya ng isang indibidwal ang mga nabanggit na dokumento ay maaari nang mabigyan ng travel authority.

Para naman aniya sa mga dadaan lamang sa Lungsod at may mahalagang gagawin sa mga karatig bayan o probinsya ay kinakailangang may maipakitang mga kaukulang dokumento upang mapayagan sa checkpoint.

Gayunman, nagpaalala pa rin ang Hepe sa publiko na kung hindi naman kinakailang lumabas o bumyahe ay manatili na lamang sa tahanan at sumunod sa mga protocols para makaiwas sa pagkahawa at pagkalat ng COVID-19.

Samantala, naatasan na ng Hepe ang mga personnel na nakatalaga sa mga quarantine checkpoints na suriin at inspkesyuning mabuti ang mga dumadaang sasakyan gaya ng mga essentials trucks upang matiyak na walang mga patagong umuuwi sa Lungsod o probinsya.

Facebook Comments