Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Finance na huwag agad husgahan ang Rice Tariffication Act na naisabatas noong nakaraang linggo.
Ito ang sinabi ng DOF sa harap narin ng pagkontra at pagbatikos ng ilang sector sa pagpapatupad ng nasabing batas dahil papatayin anila nito ang industriya ng pagsasaka ng bigas sa bansa at hindi nito mapangagnalagaan ang kapakanan ng mga mag sasaka.
Ayon kay Finance Assistant Scretary Tony Lambino, lahat ng Pilipino ang makikinabang sa nasabing batas dahil mapapababa nito ang presyo ng bigas sa bansa ng 2-7 pesos kada kilo at kabilang din sa mga makikinaban ang mga magsasaka dahil consumer din ang mga ito ng bigas.
Sinabi nito na kung tutuusin ay late na nga ang Pilipinas sa pagpapatupad ng rice tariffication law upang makahabol sana ang mga lokal na magsaaka ng bigas at ang buong rice farming industry sa bansa sa iba pang rice producing countries tulad ng Thailand at Vietnam.
Paliwanag pa ni Lambino, bukod sa makikinabang dito ang mahigit 100 milyong Pilipino ay matutulingan din nito ang mga magsasaka dahil layon din ng batas na maglaan ng pondo para sa mga ito para mapaganda at mapadali ang kanilang buhay.
Tiniyak din naman nito na sapat ang mga nakasaad sa batas upang matiyak na hindi malulustay ang pera na ilalaan para dito.