Mga kumpaniya ng langis, pinagpapaliwanag sa bitin na rollback sa produktong petrolyo

Pinagpapaliwanag ng Department of Energy (DOE) ang mga kompanya ng langis kung bakit kulang ang ipinatupad na bawas singil sa presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Ayon kay Energy Asec. Bodie Pulido, mayroong hanggang Biyernes, Oktubre a-kwatro ang mga oil firm para sagutin ang ipinadala nilang show cause order.

 

Aniya, kulang ng P0.16 sentimo ang rollback sa diesel habang P0.07 sentimos naman sa gasolina.


 

Maliban dito, pinuna rin ng DOE ang sobrang P0.22 na itinaas sa kada tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

 

Una nang ipinatupad ng mga kumpaniya ng langis ang P1.45 hanggang P1.55 na bawas-presyo sa kada litro ng gasolina at P0.50 hanggang P0.60 na bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

Facebook Comments